Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga balita kay Kris, puro tungkol sa lalaki

 

ni Vir Gonzales

MAY mga nagkokomento, parang na kasasawa namang lahat na lang ng pogi ay pilit inili-link kay Kris Aquino.

Hindi pa nga natatapos kay Mayor Herbert Bautista, may iba na namang itinuturong kursunada si Kris.

Ano ba ‘yan? Puro na lang pag-uugnay sa presidential sister gayung hindi naman totoo sa ending ang kuwento. Wala bang kwentong may mga mahihirap siyang scholar na pinag-aaral na nakatutulong sa mga mahihirap?

Kung may natulungan ba siyang Yolanda Victim ng nagdaang bagyo? Mga item na kapupulutan man lang ng pakinabang o aral kaya sa buhay.

Sabi nga nila, pang bagets lang ‘yang mga crush isyu na ‘yan, na kalimutang nababalita tungkol sa kanya.

REBULTO NI NORA, REGALO NG MGA TAGA-LAOAG

NAGMISTULANG regalo ng Laoag, Ilocos Norte kay Superstar Nora  Aunor ang bantayog na pinasinayaan kamakailan.

Kaarawan kasi ni Guy sa ika-20 ng Mayo at parang regalo ito ng mga taga-Ilocos Norte.

Napaiyak nga si Guy noong pasinayaan ito dahil sa malaking pagpapahalaga nito sa pelikula niyang Himala na kinunan sa naturang lugar at tumabo at umani ng mga papuri sa publiko. Hindi lahat ng mga nag-aartista ay may ganitong suwertr sa buhay. Si Nora Aunor lang.

REY, MARAMI RING PELIKULANG NAGAWA

Sa Mayo 17, kaarawan ni Ex-Mayor Rey Malonzo na minsan ding naging  provincial superstar at nakapareha rin ni Nora Aunor sa pelikula.

Sino bang makakalimot sa rami ng nagawang movie ni Rey M.

***

PERSONAL—Sa Mayo 26, kaarawan ng dating sexy star Konsehala ng Talavera, Nueva Ecija na si Barbara Milano at simpleng pagdiriwang ng kanyang kaarawan lamang ang gagawin niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …