Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Usapang kagandahan at kalusugan sa GRR TNT

ABANGAN ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. ang Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR TNT) upang maaliw sa mga tatalakaying isyung pang-kagandahan at pang-kalusugan.

Maging El Nino o La Nina ang magaganap, kailangan nating maging handa. ‘Di tayo dapat magpatalo sa paiba-ibang lagay ng panahon.  “

“Dapat laging byuti, dapat laging healthy,” payo ng GRR TNT host na si Mader Ricky.

Siyempre, may tips ang beauty guru tungkol sa wastong pangangalaga ng buhok, kutis, at katawan.

Itatampok sa programa ang paggawa ng “smoothies” o pamatid-uhaw mula sa food supplement na Acai Berry na galing sa USA at isa ring anti-oxidant. Para sa mga nanay, mas okey ito kaysa pagbibigay sa kanilang mga anak ng soda o softdrinks at ibang palamig na inilalako sa kalsada.

Dadalhin tayong muli ni Mader sa kanyang Island Paradise sa Catalagan, Batangas. ‘Di lang pag-aaliw, paliligo sa naroong swimming pool at lugar para sa family bonding ang darayuhin natin saGolden Sunset Inn Resort and Spa. Mayroon ding tree planting. Tiyak na matutuwa kayo na bukod sa makatutulong sa kalikasa’y lalaki ang mga puno na nakalagay sa inyong pangalan.

“Plant a tree, save the environment,” sey ni Mader.  Pagmumulat din ito sa mata ng mga kabataan—ang pagmamahal sa kalikasan.

Ang GRR TNT ay napapanood sa GMA News TV tuwing Sabado.  Produksiyon ito ngScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …