ni Pilar Mateo
MATAGAL ng inaabangan ang muling pagsasama ng dalawang magagaling na artista kahit sa harap ng kamera—sa TV man o sa pelikula. At sa Sabado, May 17, 2014, magbibigay ng treat nila sa mga tagasubaybay ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ang mahuhusay na sina AngelicaPanganiban at Carlo Aquino sa isang dramatikong istorya.
Ang real at reel life sweethearts noon. Sa bago nating titingnan ngayon.
Gaganap si Angelica bilang si Susan, isang maybahay na masasangkot sa bawal na pag-ibig kay Andres (gagampanan ni Carlo), ang nakababatang kapatid ng kanyang asawa.
Tampok din sa episode na idinirehe ni Nuel Naval sina Wowie de Guzman, Sharlene San Pedro, Mico Aytona, Louise Abuel, Tom Olivar, Madz Nicolas, Jillian Aguila, Allyson Mc Bride, Raine Salamante, at Laisa Comia. Ito ay sa ilalim ng panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni Juvien Galano. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si MalouSantos, production manager na si Roda dela Cerna, at executive producers na sina Lindsay Anne Dizon at Fe Catherine San Pablo.Huwag palampasin ang onscreen reunion nina Angelica at Carlo sa longest-running drama anthology sa Asya.