Dear Senor H,
Tanung ko lang po,bkt ku po laging npa2naginipan ang mga magulang ko lhat po sila simula s lola q hanggang s pinsan ko.kc poh hndi qoh cila kzma ngaun nasa probinsya poh silang lahat.thank u po at wait ko po kasagutan godbless. (0926641251)
To 0926641251,
Kapag nakita sa iyong panaginip ang mga magulang mo, ito ay sumisimbolo sa power, shelter, at love. Maaaring ito rin ay may kaugnayan sa pag-aalala mo para sa sariling mga magulang. Alternatively, ito ay maaari rin namang nagre-represent ng pagsasama ng female at male aspects ng iyong pagkatao. At dahil sa sitwasyon mo na lahat ng kamag-anak mo ay nasa probinsiya, posible rin na nami-miss mo na sila. Lumalabas sa iyong subconscious ang pag-aalala at pangamba sa iniisip nila para sa iyo at sa iniisip mong posibleng kalagayan ng mga magulang mo sa inyong probinsiya, kung sila ay maayos, may sakit, naghihirap, etc. Nagpapakita rin ito ng pangungulila mo sa kanila, nais mo na kasi silang makapiling sa inyong lalawigan. Maaari mo silang tawagan upang mapawi ang iyong pangamba.
Kapag napanaginipan ang mga kamag-anak, nagsasabi ito ng hinggil sa mga damdamin at isyung pampamilya. Ang ganitong klase ng panaginip ay simbolo rin ng ilang aspeto ng iyong sarili mismo.
Señor H.