NATAWA naman tayo sa isang komentaryo na narinig natin sa ilang taga-Bureau of Immigration (BI) NAIA.
Mayroon daw isang Immigration intelligence officer na hindi naman pala intelligent at ang alam lang ‘e magtsismis at gumawa ng intriga sa kanyang mga kasamahan?!
Anak ng tungaw!!!
‘Yang intelligence officer daw na ‘yan ay kasalukuyang nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kapag kaharap umano si Immigration Commissioner Siegfrid Mison, ‘e talaga naman higop-sipsip at pasiklab si Intelligence officer.
Pero kapag nakatalikod na si Commissioner Mison ‘e kung ano-ano nang paninira ang ginagawa ni intelligence officer.
By the way, dapat nga raw ‘e inire-recall na sa BI MAIN OFFICE ang intelligence officer na ‘yan dahil malapit na siyang maging ‘retarded’ este mag-retired.
O kaya pagpaghingahin na ‘yang tarantadong TSISMOSO na ‘yan!
Ano sa palagay ninyo, Mr. Jerome Gabionza?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com