MUKHANG mauunsiyami o hindi na makakamtan ng mga nabukulang barangay chairman sa Manila District 1 & 2 ang karampatang share nila sa P77 milyones real property tax na ini-deliver lang sa iisang barangay chairman sa Tond0, Maynila.
Noong pumutok ang nasabing ‘BUKULAN,’ umepal si Konsehal ALI ATIENZA sa mga nabukulan na Punong Barangay na hindi raw niya pababayaang hindi makuha ng mga barangay chairman ang share nila sa P77-M RPT shares at siya pa mismo ang magpa-file ng kaso sa Ombudsman na sangkot sa anomalyang ito.
‘E ngayon, iba naman ang litanya ni Konsehal Atienza, kailangan daw marami ang complainant para masampahan ng kaso ang mga may pakana kung bakit sa isang chairman lang ipinagkaloob ang nasabing RPT share.
Ano ba ‘yan!?
Mukhang ‘NATSUBIBO’ at PINAASA lang ‘yung mga barangay chairman pero sa huli wala rin pala.
Sabi nga ng isang nabukulang barangay chairman, sanay naman daw sila sa lokohan … ‘wag lang daw matagal!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com