Pinalawig hanggang susu-nod na linggo ang libreng sakay sa Pasig River Ferry System, iniulat kahapon.
Magtatapos sana ngayong Biyernes ang libreng serbisyo kasabay ng pagsasara ng unang linggong operasyon, pero napagdesisyonan ng pamunuan na gawing libre ang sakay sa ikalawang linggo.
Bukod sa libreng sakay, tuloy rin ang pagbibigay ng libreng kape sa commuters, bukod pa sa libreng pandesal.
Maaaring makasakay sa ferry sa limang estasyon kabilang ang Pinagbuhatan Station sa Pasig City, Guadalupe Station sa Makati City, Sta. Mesa Station, Escolta Station at Intramuros Station sa Maynila.