HAWAK na ng mga awtoridad ang kopya ng warrant of arrest laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Simeon Raz, Jose Paolo Gregorio Calma at Ferdinand Guerrero kaugnay sa kasong serious illegal detention.
Inilabas ng Taguig City RTC ang nasabing warrant hinggil sa reklamo ng aktor na si Ferdinand “Vhong” Navarro.
Walang inirekomendang piyansa ang huwes para sa ikadarakip ng mga akusado.
Hindi isinama sa warrant of arrest si Bernice Lee dahil sa kakulangan ng direktang papel sa pangyayari.
Dahil dito, itinuturing nang wanted ng mga awtoridad ang grupo ni Lee kaya maaari nang dakpin ano mang oras.
(MANNY ALCALA/ JAJA GARCIA)