Saturday , November 23 2024

2 senglot todas sa duelo

RIZAL – Kapwa patay ang dalawang lasing na lalaki makaraan mag-duelo sa patalim nang magkapikonan dahil sa masamang tingin kamakalawa ng gabi sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City Police chief, Supt. Arthur Masungsong ang dalawa na sina Aian Camince, 26, security guard, at Joebert Valenzona, 29, kapwa residente ng Sitio Kamias 2, Brgy. Mambugan,

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong 7:30 p.m. sa nasabing lugar habang nakikipag-inoman si Valenzona sa kanyang mga kaibigan.

Ngunit tiyempong napadaan si Camince na lasing na rin at sila ay nagkatitingan na humantong sa kanilang mainitang pagtatalo.

Pagkaraan ay kapwa nagbunot ng patalim ang dalawa at nagsaksakan. Makaraan ang ilang minuto, kapwa duguang bumagsak ang dalawa.

Isinugod ang dalawa sa pagamutn ngunit parehong binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

(MIKKO BAYLON)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *