Pulis sugatan sa amok

SUGATAN ang pulis Quezon City makaraang saksakin ng nirespondehan niyang amok, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), sugatan si PO3 Norberto Mamac, 51,  nakatalaga sa QCPD Kamuning Police Station  10, at naaresto agad ang suspek na si Moises Redoble, 32, residente ng Sierra Monte Mansion Road,  Filinvest, Cainta, Rizal.

Sa imbestigasyon, dakong 10:15 p.m. Linggo, nakatanggap ng sumbong  ang pulisya hinggil sa pagwawala ni Rebolde na armado ng patalim sa Merry Land St., Brgy. Pinagkaisahan. Mabilis na nagresponde si Mamac pero sinalubong siya ng saksak sa tiyan ng suspek.

(Almar Danguilan)