Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tates Gana, mas kinakampihan kompara kay Bistek

ni  Ed de Leon

TINGNAN nga naman ninyo si Mayor Bistek (Herbert Bautista), lehitimong artista iyan. Taga-showbusiness iyan simula pagkabata niya. Riyan na nagkamalay at tumanda sa showbusiness iyan eh. Ngayon na nasuot siya sa isang controversy matapos niyang ligawan si Kris Aquino, mas nakisimpatiya pa ang mga tao sa kanyang common law wife na si Tates Gana. Noong sinasabing iniwan na niya ang kanyang girlfriend na kung kanino may dalawa siyang anak, siya ang binalingan ng mga tao. Bakit ganoon?

Kung iisipin mo hindi lang naman ngayon nangyari iyan eh. May girlfriend din si Mayor Bistek noon, dalawa rin ang anak niya roon sa nauna. Noong sumama siya riyan kay Tates, hindi naman ganyan ang reaksiyon ng mga tao eh. Iniisip lang namin, baka naman dahil hindi lang siya hinabol talaga niyong nauna niyang iniwanan. Puwede rin namang hindi talaga ganoon ang nakukuhang simpatiya ni Kris sa showbusiness kaya parang mas kinakampihan pa nila si Tates.

Dapat mag-isip nang husto si Mayor Bistek, dahil hindi naman niya maikakaila na may ambisyong political pa siya at mukhang hindi magandang feedback iyang lumalabas ngayon. Mas kinakampihan ng tao iyong kanyang dating common law wife kaysa kanya. Mag-iisip ka rin kung paanong nangyayari iyon at kung bakit nangyayari iyon.

Naku Tita Maricris, mahal na araw na, huwag na nga nating pag-usapan iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …