Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Basted ‘nanunog’ ng bahay (Tinalo ng karibal)

041514_FRONT

ATTEMPTED arson ang kahaharapin ng lalaking nagtangkang sumunog sa bahay ng kanyang karibal,  nitong nakaraang linggo sa lungsod ng Taguig.

Swak sa detention cell ng Taguig police ang suspek na  si Renato Bianzon, Jr., nasa hustong gulang, tubong Cavite city, nang masakote ng pulisya dahil sa pagtatangka niyang silaban ang bahay ng kanyang karibal na si Johnny Valdez sa Orchids St., Katipunan Village, Western Bicutan.

Base sa ulat ng pulisya, magkaribal ang dalawa sa iisang babaeng itinago sa pangalang Myra, pero pinili ng dalaga si Valdez, dahil walang hanapbuhay ang suspek.

Ayon sa ulat ni SPO1 Rodelio Abenojar ng Taguig police, bago mangyari ang panununog noong Biyernes ng gabi, nahuli ni Valdez si Bianzon na umaaligid sa kanilang bahay dakong 8:00 a.m. kaya humingi siya ng tulong sa mga barangay tanod.

Nang kapkapan si Bianzon nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang patalim pero mabilis siyang nakatalilis.

Sa ulat, muling nagbalik kinagabihan ang suspek sa bahay ni Valdez na may dalang  timba na may lamang tela at gasolina, saka sinindihan at inihagis sa loob ng bahay ng karibal.

Mabilis na nagliyab ang dingding at ang kisame ng bahay ni Valdez pero dahil tumulong ang mga kapitbahay agad naapula ang apoy.

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …