Thursday , June 4 2026

Bebot timbog sa P12-M shabu

CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) ang isang babae na nahuli sa delivery entrapment operation sa loob ng department store sa lungsod ng Iligan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Ashlea Sambetore, residente sa nasabing lugar.

Ayon kay PDEA agent Ben Calibre, nakuha nila sa posisyon ng suspek ang isang kilo ng shabu na tinatayang may market value na umaabot sa P12 milyon.

Sinabi ni Calibre, ang suspek ay nagsilbing consignee sa package na ipinadala ng cargo company, na shabu pala ang laman.

Ayon pa kay Calibre, ang naturang suspek ay nasa priority target list ng ahensya. (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Victory Liner Electric Bus e Bus

Victory Liner iginagalang suspension order ng LTFRB

KINIKILALA ng Victory Liner ang preventive suspension order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board …

Albee Benitez Bojie Dy

Speaker Dy, pamunuan ng Kamara pinuri Deputy Speaker Benitez  
MATAAS NA TRUST RATING KREDITO SA TINUPAD NA MANDATO NG KONSTITUSYON

ni GERRY BALDO PINURI ni Deputy Speaker at Bacolod Lone District Rep. Alfredo “Albee” Benitez …