Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktres, ‘di nakapasa sa audition sa ibang bansa

 ni  Reggee Bonoan

AAMININ kaya ng isang aktres na kaya siya umalis ng bansa ay para subukan ang suwerte niya sa ibang bansa?

Ang alibi kasi ng aktres ay mag-aaral siya ng crash course sa bansang pinuntahan niya, pero ang totoo ay nag-aplay siya sa iba’t ibang agency sa bansang pinuntahan para sa matagal na niyang pangarap na maging artista rin doon.

Pero hindi nakapasa ang aktres sa audition dahil wala naman siyang backer. Ilang beses sumubok si aktres sa iba’t ibang agency sa bansang pinuntahan, pero rejected siya parati dahil hindi raw bagay sa aktres ang papel na mahirap dahil mukha siyang mayaman.

“Pangalawa ay malaki ang katawan ng aktres at mukha siyang nanay na kaya mas lalo siyang tinanggihan ng agency na nagdadala ng talents doon,” say sa amin ng nakaaalam.

Dumating na sa bansa ang aktres at sa mga kaibigan muna siya nagpakita dahil sobrang na-miss daw niya ang mga ito.

Ang tanong, ano nga ba ang career ngayon ng aktres? Hindi siya tanggap sa Pilipinas at hindi rin siya tinanggap sa ibang bansa na roon nag-u-umpisa ang lahat ng pangarap ng tao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …