Tuesday , July 5 2022

Sam, inisnab ang birthday celebration ni Jasmine!

ni  Reggee Bonoan

HINDI dumating si Sam Concepcion sa birthday celebration ng girlfriend niyang si Jasmine Curtis Smith sa programang SPINNation na ginanap sa Liquid Bar, Manila Ocean Park noong Sabado.

Ang ibinigay na dahilan sa amin ng taong malapit kay Jasmine, “hindi pinayagan ng ABS (CBN) si Sam, exclusive contract daw lolo mo.”

Oo nga naman lalo’t umeere ang MiraBella na kasama si Sam sa cast.

Samantala, hindi nagkuwento si Jasmine kung ano ang totoo sa isyung tinalakan umano ng ate Anne niya ang boyfriend niyang si Sam sa ginanap na birthday party ni Vice Ganda sa Makati City kamakailan.

Mabilis na sagot ni Jasmine, “you know what, honestly, I’m sorry but it’s not my issue to speak of. I dont know where that came from. I don’t know how her name popped up. So, whatever you guys you want to believe, it’s up to you guys.”

‘Bakit mo niloloko ang kapatid ko,’ ito raw ang katagang sinabi ni Anne kay Sam dahil nalaman daw ng protective ate ni Jasmine na nagpapa-cute ang aktor sa leading lady niyang si Julia Barretto.

Maagap sumagot si Jasmine, “I believe that’s not my issue to clear up. I’d rather speak of happy things. This is my birthday, and I’m sorry, I really don’t think I should answer that. I was not there, it’s not for me to clear up, and it’s not my problem.”

Pero hindi naman itinanggi ni Jasmine na may alam na siya sa nangyari dahil pareho naman niyang kinausap sina Sam at ate Anne niya.

Wala raw nabago sa samahan niya sa bawa’t isa, “my relationship with anyone has not changed my sister, my family, with Sam. It’s all the same.

“It all boils down to communication. If you know how to communicate, then you’re set.”

Dalawang araw pa lang ni Jasmine sa Maynila noong Sabado (Abril 5) dahil 10 araw siyang nasa out of town para sa shoot ng Dementia kasama si Nora Aunor kaya hindi pa sila nagkikitang mag-dyowa.

“I haven’t seen him since I got back from Bulacan because I think he’s also been busy with rehearsing for Tito Gary’s (Valenciano) concert. So, ayun, busy din ako with ‘SPINNation’, I was here very early, yeah we’ve been texting, I don’t know what people are fooling around,” kuwento ni Jasmine.

Samantala, sumimple ng tanong ang isang katoto kay Jasmine na naniniwala ba siyang nilait umano ng ate Anne niya ang boyfriend niya?

“Basta ako, wala ako roon. I was busy with tapings for ‘Dementia’. I was in Bulacan. I was in Batanes for 10 days before.

“Whatever happened, that’s only with the people who were there, and between the both of them, who really know what happened.”

“And I refuse to be involved because I was not there. I don’t want to make the issue bigger, and it’s up to them whatever comes out. I’m not in the position to speak,” muling sabi ng dalaga.

Sabi pa, “People will talk whether you want it or not, whether good or bad. So you just live with it.

“Sabi nga ni Ate, learn the art of deadma, and eto na ‘yon! Bahala sila, mag-usap sila kung gusto nilang ganyan, okay lang.

“Basta kami, nagdarasal kami rito for her fast recovery, for her to get better soon.”

Nakagat nga kasi ng jellyfish si Anne habang nagtet-taping ng Dyesebel sa Batangas kaya ito raw ang mas tinututukan nilang pamilya.

“Family is always there for her no matter if it’s a health condition or emotional matter that you’re going through. We’re always there for each other, regardless if people support it or not.

“You are there to understand the matter that they’re going through.

“It’s my birthday, so I’m focusing on the happy thoughts and my family being here and being happy.

“Life is so short, so why focus on the negative things when there are so many things to be thankful for?” sabi ni Jasmine.

At ang birthday wish ni Jasmine sa kanyang 20th birthday, “of course my birthday wish is mas marami pang birthday ang ma-encounter ko, like I said, we all improved as a person not just for myself but for everyone around and happiness throughout my life and career.”

About Reggee Bonoan

Check Also

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Jake Zyrus Charice Pempenco

Jake Zyrus deadma sa ina sa kanyang Transman Journey

MATABILni John Fontanilla PALAISIPAN sa mga netizen ang hindi pagkakabanggit ni Jake Zyrus sa kanyang ina sa …

Geneva Cruz

Geneva sa tumawag ng trying hard— It’s a reflection of how bad you feel about yourself

MA at PAni Rommel Placente PINATULAN ni Geneva Cruz ang isang netizen na tumawag sa kanya ng …

Leave a Reply