Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jairus at Francis, may bagong kaagaw kay Sharlene

ni Maricris Valdez Nicasio

BAGONG problema ang susubok sa mga karakter ng Kapamilya teen star na sina Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Francis Magundayao ngayong Sabado (Abril 5) sa pagpapatuloy ng  Wansapanataym Presents Si Lulu at Si Lily Liit.

Sa kanyang paglalayas, makikilala na ni Lily (Sharlene) si Dondie (Paul Salas), ang duwendeng tumupad sa kahilingan ng kanyang mga magulang na magkaroon ng anak. Bilang kapalit sa kanyang pagtulong, kukunin ni Dondie si Lily at dadalhin ito sa kanyang kaharian upang doon na manirahan. Paano maililigtas nina Lulu (ginagampanan din ni Sharlene), Harvey (Jairus), at Adrian (Francis) si Lily kapag hindi ito pinalaya ni Dondie? Makababalik pa ba si Lily sa dating buhay niya kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan?

Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng month-long special nina Sharlene, Jairus, at Francis sa Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 Gandingan Awards, Wansapanataym, pagkatapos ng Bet On Your Baby sa ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …