Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paul, hadlang sa magandang samahan nina Sharlene, Jairus, at Francis

ni  Reggee Bonoan

BAGONG problema ang susubok sa karakter ng Kapamilya teen stars na sina Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Francis Magundayao ngayong Sabado (Abril 5) sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents Si Lulu at Si Lily Liit.”

Sa kanyang paglalayas, makikilala na ni Lily (Sharlene) si Dondie (Paul Salas), ang duwendeng tumupad sa kahilingan ng kanyang mga magulang na magkaroon ng anak.

Bilang kapalit sa kanyang pagtulong, kukunin ni Dondie si Lily at dadalhin ito sa kanyang kaharian upang doon na manirahan. Paano maililigtas nina Lulu (ginagampanan din ni Sharlene), Harvey (Jairus), at Adrian (Francis) si Lily kapag hindi ito pinalaya ni Dondie? Makakabalik pa ba si Lily sa dating buhay niya kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan?

Kasama rin sa Si Lulu at Si Lily Liit sina Desiree del Valle, Assunta de Rossi, John Lapus, Ron Morales, John Medina, JB Agustin, at Nikki Bagaporo mula sa panulat ni Noreen Capili at direksiyon ni Manny Palo. Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng month-long special nina Sharlene, Jairus, at Francis sa Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 Gandingan Awards, Wansapanataym.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …