Thursday , June 4 2026

SC guidelines dapat i-apply at ipatupad sa DQ vs Estrada

NAGLABAS ng mga guideline ang Korte Suprema kamakailan para sa speedy trial sa layu-ning lumuwag ang mga bilangguan at igiit ang karapatan ng mga akusado sa mababang kaso na makapagpiyansa.

Ang naturang hakbang, ayon sa Supreme Court, ay alinsunod Section 13 ng Saligang Batas na nagsasaad na,  “all persons, except those charged with offenses punishable by reclusion perpetua when evidence of guilt is strong, shall before conviction be bailable by sufficient sureties or released or recognized as the law may provide.”

Pero isang araw bago magpalabas ng guidelines ang SC, napalathala sa editoryal ng isang malaking pahayagan ang “The right to a speedy trial,” binatikos ang mabagal na pag-usad ng mga kaso sa mga hukuman, taliwas sa nasasaad sa mga batas at Konstitusyon.

Kung talagang sinsero ang Kataas-taasang Hukuman na mapabilis ang pagkakaloob ng hustisya, sila ang unang dapat sumunod sa inilabas nilang guidelines bago magsermon sa mababang hukuman.

Halimbawa, bakit ‘nakatengga’ pa hanggang ngayon sa kanila ang disqualification case laban kay ousted president at convicted plunderer Erap Estrada habang lahat ng katulad at kasabay na nitong kaso ay kanila nang naresolba at tinapos?

Hindi ba alam ng Korte Suprema na kapag pinatagal pa nila ang pagpapasya sa kasong ito ay pinagkakaitan nila ng hustisya ang mga dukhang Manilenyo na nagdurusa sa isang “de facto” Erap administration na walang inatupag kundi pagkuwartahan ang lahat ng bagay sa lungsod?

At bakit malakas ang loob ng mga garapata ni Estrada na ipangalandakang hindi na maglalabas ng desisyon ang Supreme Court tungkol sa disqualification case, gaya ng napalathala sa kolum ng PR man at ‘apologist’ ni Erap na si Ike Gutierrez?

Sa kolum ni Gutierrez kamakailan, sinabi niya na: “Balita na ‘di gagalawin ng Supreme Court and disqualification petition laban kay Manila Mayor Joseph E. Estrada. Tama lang. Harassment lang ang disqualification moves.  Forum shopping pa. Ibinasura ng Comelec, sinupalpal ng RTC ang petisyon.  Si Mayor Erap ay aboard na as mayor. Napakapuno ng aksyon at achievements ang first 6 months niya. Malaking disgrasya if he’ll be disqualified. There will be a de-vastating public uproar.”

Bakit, may lihim na usapan ba ang kampo ni Erap at ang mga mahistrado ng SC na hindi alam ng publiko?

Si Gutierrez ba ay appointed official common spokesman ng kampo ni Erap at ng SC?

Sa Kongreso ay may nakaambang impeachment case laban sa ilang mahistrado ng SC, isa sa basehan ay ang pagkakadiskuwalipika kay nanalong Congresswoman Regina Ongsiako Reyes na nakalaban ni Lord Allan Jay Velasco, anak ni Justice Presbiterio Velasco sa Marinduque gayong ang kaso ay hawak na ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na isa rin Constitutional body.

Hindi kaya matatawag na conflict of interest ang minadaling desisyon sa kaso ng anak ni Justice Velasco at lumikha pa ng Constitutional crisis?

Hangga’t tumatagal ang paglalabas ng de-sisyon sa DQ case laban kay Erap ay katumbas din na walang umiiral na batas kahit may mga batas pa na nagbabawal na makatakbo o kumandidato ang isang sentensiyadong kriminal.      Ano’ng masasabi n’yo, SC Chief Justice Ma-ria Lourdes Sereno at Associate Justice Mario Victor F. Leonen?

ANG BRODKASTER NA TUMANGGAP

NG P2-M SUHOL MULA SA NABCOR

DAPAT pilitin ang mga dating opisyal ng National Agribusiness Corp. (Nabcor) na pangala-nan ang taga-media na tumanggap ng P2 mil-yong suhol noong 2009, sa panahong nabulgar ang P455 milyong ice making machine scam sa Department of Agriculture at Nabcor.

Batay sa plunder complaint na inihain ng mga lider ng Anakpawis at Pamalakaya sa Ombudsman laban kay GMA, Arthur Yap at Nabcor officials, ipinagkaloob ng DA sa pamamagitan ng Nabcor ang kontrata sa nag-iisang bidder na Integrated Refrigeration System and Services (IRSS) noong September 2, 2009, sa pag-supply  ng  ice-making  machines  sa  halagang  P4, 650,000 kada isa, na overpriced ng P2.3 milyon kompara sa karaniwang presyo nito.

Sino ba ang brodkaster na ‘yan na guma-gamit pa ng advertising cum PR firm na matapos banatan ang DA sa kanilang programa ay tumanggap ng P2-M na mas bagay yatang hatawin ng dos por dos?

‘Yan ang hirap kapag pinagsasabay ang propesyon bilang media na ay PR cum adverti-sing practitioner pa.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

ni  Percy Lapid

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …