ni Ronnie Carrasco III
SA isang panayam sa isang dating boldie—a self-confessed victim ng talamak umanong bugawan sa showbiz—walang takot niyang isinawalat kung sino ang manager na nagbu-book sa kanya.
Binanggit din niya ang ilang female stars na tulad niya’y umaapir sa tinatawag na go-see to meet up with their prospective clients, most of whom are politicians. Pero in fairness, ang mga pagkakataon daw na ‘yon wouldn’t necessarily lead to jumping to bed with their clients kundi pa-dinner-dinner lang daw.
Itatago na lang namin sa initials ang kanilang pagkakakilanlan: “A” for her manager, “D” (gamit niya ang screen name ng isang politiko from down South), “K” (may asawa’t anak nang aktres na may biyenang isang sikat na TV personality), at “A” (aktres na may dyowang politiko).