NAAPEKTOHAN kaya ang Ombudsman sa pinakahuling statement ni Sen. Jinggoy Estrada na huwag daw magpa-pressure sa mga lumalabas na publicity sa ukol sa imbestigasyon tungkol sa pork barrel scam.
Sabi ni Jinggoy, “I hope the Office of the Ombudsman will not be swayed by pressure and publicity in its investigation into the Priority Development Assistance Fund scam.”
Silang tatlo raw nina senators Juan Ponce Enrile and Bong Revilla, Jr., “were continuously crucified and demonized in various forums: mass media, cyberspace, including the Senate blue ribbon committee.”
Ito kaya ang dahilan kung bakit biglang bumagal ang pag-usad ng Ombudsman at hindi maisampa-sampa ang kaso sa Sandiganbayan makalipas ang anim na buwan laban kina senators Jinggoy, Bong at Johnny?!
Isang statement lang ba ni Sen. Sexy ‘este’ Jinggoy ang magpapakupad sa pagkilos ng Ombudsman laban sa mga nandambong sa kabang yaman ng bayan?
Gano’n ba ‘yun Madam Conchita Carpio-Morales?!
By the way, kailan ba makikita ng taong bayan ang pruweba mo sa Ombudsman, Madame Conchita?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com