Tuesday , December 24 2024

Imbestigahan ng Kongreso delivery services para sa PNP gun license (‘Gumitna’ lang tubong lugaw na?)

00 Bulabugin JSY
ITO ang masama sa pagnenegosyo sa Philippines my Philippines …

Dahil sa red tape sa ilang ahensiya ng pamahalaan, mayroong mga nakaiisip na gumawa ng raket sa pamamagitan ng pagmi-MIDDLE MAN.

Gaya na lang nga nitong pagde-deliver ng lisensiya ng baril mula sa Philippine National Police (PNP) para sa mga aprubadong aplikante.

Ang objective daw nito ay upang matukoy kung tamang address ang ibinibigay ng aplikante. Kaya imbes iisyu sa mga sangay ng PNP kung saan dapat mag-apply ang aplikante ay mayroon nang isang courier service na inaprubahan ang PNP.

‘Yan ang Werfast Documentation Agency Inc.

Noong May 25, 2011, nagkasundo (walang public bidding!?) ang Werfast at PNP Firearms and Explosives Office (FEO) na i-deliver na lang sa mismong bahay ng aplikante ang kanilang gun license bilang bahagi umano ng effort ng PNP, “to improve gun control measures.”

Pero ang Werfast ay nairehistro o na-incorporate lamang sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong Agosto 10, 2011.

Anak ng tungaw!!!

Nauna pang na-accredit ng PNP bago nakompleto ang rekisitos!?

Sa kasalukuyang record ng PNP, mayroon hindi kukulangin sa isang  milyon ang nagmamay-ari ng baril sa bansa. Ang singil ng Werfast sa bawat aplikante ay P190 para sa delivery (mas mataas sa probinsiya).

Pero natuklasan na ang Werfast ay magpapa-deliver lang umano sa LBC. Sinisingil lamang sila ng LBC ng halagang P90.

Ibig sa sabihin, sa bawat lisensiya ng baril ay kumikita na agad ang Werfast ng P100 na kung susumahin sa isang milyon ay lalabas na P100,000,000 isang taon.

Tubong-lugaw!!!

Para kay PNP Chief, Director General Allan Purisima, parehas ang kasunduan ng Werfast at ng PNP.

Sa kanyang paghuhugas ng kamay, sinabi niyang ang nasabing kasunduan ay nangyari noong hindi pa siya chief PNP. Gusto niyang bigyang-diin na noon pa iyon kaya wala akong kinalaman d’yan.

‘E ano po ‘yung sinasabi na ang may-ari umano ng Werfast ay si Ireneo Bacolod, isang retiradong police director, dating hepe ng PNP Civil Security  Group (CSG), ang unit na direktang may administrative supervision sa FEO at dating bossing din ni Purisima.

Isang tsismis pa d’yan sa Kampo Crame ang umabot sa atin, na kasosyo din daw d’yan sa Werfast ang anak ni GEN-P?

Wakas na nga pala ang teleserye ni Honesto at hanggang ngayon ay nawawala pa rin si Mr. Matino.

Mamaga at maglakihan sana ang mga …ilong ninyo!

ANG JUETENG NI JOY SA PARAÑAQUE CITY PANALO PALAGI!

WALA raw talo ang JUETENG ni JOY sa Parañaque.

Sino ba naman ang matatalo kung ang jueteng na ‘yan ay nakalatag sa Brgy. SAN DIONISIO, isang napakalaking barangay sa siyudad ni Mayor Edwin Olivarez.

Karamihan sa regular na parokyano ni JOY sa kanyang jueteng ‘e ‘yung mga walang trabaho na nagbabakasakaling kumita pa ang kanilang limang piso.

‘E ilan ‘yang mga nagbabakasakali na ‘yan Yorme?! Trabaho hindi jueteng ang kailangan ng constituents ninyo.

By the way, Mayor Edwin, alam mo bang hindi bababa sa P100 libo ang kobransa ng bruhang JOY sa kanyang WETENG sa lungsod mo?!

Itanong mo kaya sa bata mong si TATANG ROLLY at DYO-DYO kung kasama sila sa nakikinabang sa P100 libo kada araw sa jueteng kobransa na ‘yan?!

Kapain mo paminsan-minsan ang ulo mo Mayor, baka puro bukol ka na!?

UMAARANGKADA ANG VIDEO KARERA NI JAKE DULING SA LAS PIÑAS CITY

HETO pa ang isang demonyo …

VIDEO KARERA naman ang lakad ni VK KING JAKE DULING sa Las Piñas City.

Ang ganda ng latag ni JAKE! Hindi kukulangin  sa 200 makina ang namumunini sa mga piso-pisong itinataya ng mga bata.

Meron din mga ‘night shift’ na mga ADIK.

Kung sa umaga ay mga estudyante, sa gabi, mga hindi makatulog na ADIK.

Ang sabi, hindi raw nakapagtataka kung bakit ganyan kalakas ang latag ng demonyong makina ng VK ni Jake Duling …

Malaki raw ang HATAG doon sa NCRPO Bicutan, CIDG South  at local PNP.

Kahit itanong pa ninyo kay bagman ALAN ASPILETA!

Tsk tsk tsk …

Gen. Carmelo Valmoria, Sir, may nakararating ba sa iyong hatag ‘este’ info d‘yan?!

Pakisagot lang po!

SALOT NA PERYA-GALAN SA ZABARTE ROAD CALOOCAN CITY
(ATTN: MAYOR OCA MALAPITAN)

MATAGAL nang inirereklamo ng mga residente ng Phase II MERRY HOMES SUBDIVISION sa Zabarte road Caloocan City ang pagtatayo ng isang PERYA-GALAN malapit sa basketball court sa kanilang lugar.

Masama ang epekto kasi ng perya-sugalan na ito sa kanilang mga anak lalo na sa mga kabataan na nakikita ang mga puesto-pijo na sugalan ni alyas NENENG.

Hindi lang maingay ito kundi maraming kabataan ang nalululong sa demonyong perya-galan.

Ipinagyayabang kasi ng walanghiyang NENENG operator ng perya-galan na ‘kasangga’ n’ya ang Barangay Kupitan ‘este’ Kapitan na si JIMMY BARBARA at ang katiwaldas ‘este’ katiwala n’ya na si KA PUROY kaya kahit nasa residential area ay naitayo ang perya-galan na ‘to!

May mga barangay tagay ‘este’ tanod pa ni Chairman Barbara na nagbabantay pa raw sa perya ni Neneng.

Nagtataka at duda ang homeowners sa Presidente ng kanilang samahan na magka-tongpats silang dalawa ni Chairman Barbara sa perya-galan dahil hindi man lang kinontra ang pagtatayo nito sa kanilang subdivision.

‘Yan daw kasi ang ipinamamalita ni Neneng Perya-galan na hindi siya kayang palayasin sa lugar nila.

Eto pa ang mas matindi, ‘timbrado’ na umano sa PNP Caloocan ‘orbit-pulis’ ang perya-galan na kahit pa 10 mobile patrol ang umorbit ay kayang-kayang hatagan ni Neneng dahil sa laki ng kobransa ng kanyang perya-galan.

Pati pangalan ni Caloocan Mayor OCA MALAPITAN ay kaladkad na rin ni Neneng dahil ipinapanglandakan n’ya na ‘bata’ at ‘lider’ s’ya ni Yorme!?

Totoo ba Mr. Honorable Mayor?

Kutob ng mga residente ng Merry Homes, naghihiganti si Kapitan Barbara sa kanila dahil noong nakaraang election ay nakamote at natalo sa mismong teritoryo niya kung saan siya nakatira.

Paano ba naman daw hindi maoolat ‘e walang naikabit na street lights kaya laganap ang holdapan sa area nila.

Tatanungin natin ngayon si Mayor Oca ‘natural nine’ Malapitan, ito bang perya-galan ay untouchable ba talaga sa ‘yo!?

Pakisagot lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *