ni Maricris Valdez Nicasio
NAKAKA-PROUD na naging matagumpay ang proyekto ng mga Taga-Tanauan, ang first Parade of Lights na isinagawa noong Marso 8, Sabado na lumahok ang 29 well-lighted floats na nag-represents sa iba’t ibang negosyo ng lalawigan mula sa imbitasyo ni Mayor Tony Halili.
Bagamat napakatagal ng parada (dahil sa rami), nakita naman naming nag-enjoy ang mga huradong sina Melanie Marquez, Dra. Vicki Belo, Patrick Garcia, at DZMM anchor Jobert Sucaldito. Hindi lang kasi sa naggagandahang float sila nag-enjoy kundi maging sa napaka-warm na pagtanggap sa kanila ng mga taga-Tanauan.
Bale first time ginawa ng mga taga-Tanauan ang Parade of Lights na pinangunahan ngRotary of Tanauan na may sarili ring float kasama ng Knights of Columbus. Ika-13 taong anibersaryo na kasi nila kaya naman itong proyektong ito ang kanilang naisip.
Bawat float ay kitang-kita na pinaghirapan at pinaghandaang mabuti. Ilan sa mga naggagandahang float na nakita naming ay ang Yazaki Torres Engine Technology,The Park Café and Grill, Panadera , Sapphire International Aviation Center,Airport Shuttle Service, at ang Safety First. Bawat float ay mayroon ding mga sayaw na tunay namang nakaaaliw.
Pagod man at gutom, kita namin ang kaligayahan sa bawat taga-Tanauan.
Binabati namin si Mayor Halili sa tagumpay ng proyektong ito sa pakikipagtulungan din siyempre ng Sports Development Council na pinamumunuan ni dating Tanauan City Rotary Club District Governor Tato Dimayuga. Mabuhay ang mga taga-Tanauan.