ni Roldan Castro
LUTANG na lutang na ang chemistry at sobrang kilig sa bagong tambalan na ilulunsad ng ABS-CBN 2 at Dreamscape Entertainment Television. Ito’y sina Enrique Gil at Julia Barretto. Tatlong buwan pa lang silang nagte-taping ng Mira Bella pero swak na sila sa isa’t isa.
Posible kayang ma-develop ang dalawa? Wala pa raw sa kanila. Basta’t ini-enjoy daw nila ang isa’t isa. Maaari raw mangyari ‘yun lalo’t magka-loveteam sila at madalas nagkikita dahil sa trabaho. Wala naman daw silang naging adjustment sa isa’t isa dahil madaling pakisamahan si Julia. Bukod dito, close rin kasi si Enrique sa Tita Gretchen ni Julia kaya naging kampante sila sa isa’t isa.
Talbog!