Wednesday , June 17 2026

Misis na tisay hinalay, pinatay ng adik

PINATAY makaraang halayin ng hinihinalang adik ang tisay na misis sa loob ng apartment sa Brgy. Bancal, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktimang si Rosalinda Valleros, 30, ngunit binawian din ng buhay.

Habang agad naaresto ang suspek na si Jamar Lagidao, 20, vulcanizer,  residente ng Brgy. Malcahan ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO2 Fulgencio Moren, dakong 7 p.m. kamakalawa, dinalaw ng ina ang biktima sa inuupahang apartment sa Unit 03, Odsmans Building, ngunit nagulantang nang makitang duguan ang ginang sa kama at walang saplot sa katawan. May nakita ring marka sa leeg ng biktima na palatandaan na siya ay sinakal

Inaresto ng mga awtoridad ang suspek makaraan ituro ng saksi na nakakita sa salarin habang nagmamadaling lumabas ng apartment ilang oras bago natagpuan ang bangkay ng biktima.

(DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez PNP

Higit pa sa malaking drug bust: Bakit mahalaga ang hatol na ito?

NANG makumpiska ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 1.4 toneladang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱9.68 …

Lifeline Chemotherapy Center

Cancer patients in San Jose del Monte City can now avail free chemotherapy at Lifeline Chemotherapy Center

Recent data from the Department of Health reveals a growing incidence of cancer in Bulacan, …

Bam Aquino

Bam Aquino pinaiimbestigahan mabagal na paglulunsad ng P67-B pondo sa pagtatayo ng silid-aralan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGBALIK bilang tagapangulo ng Senate Committee on Basic Education si Senador …

Supreme Court 125th Anniversary NHCP

SC Unveils Historical Marker, Plaque for 125th Anniversary

MANILA, Philippines — The Supreme Court of the Philippines officially unveiled a historical marker from …

Nartatez PNP

Higit pa sa pagpapatupad ng batas: Pananagutan, serbisyo, at resulta sa ilalim ng PNP

ANG tiwala ng publiko ay hindi nabubuo sa pamamagitan ng mga islogan. Unti-unti itong pinaghihirapan …