Thursday , June 4 2026

1 babae kada oras nagagahasa sa Pinas (Ayon sa Gabriela)

030814_FRONT

NAGULAT ang Palasyo sa ulat ng women’s rights group Gabriela na isang insidente ng panggagahasa ang nagaganap sa bansa sa bawat isang oras at 55 minuto sa nakalipas na dekada.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, beberipikahin ng Palasyo ang datos kasabay ng pagtiyak na nakikiisa ang pamahalaan sa adbokasya ng Gabriela na protektahan ang mga kababaihan.

“ I will have to check against government data especially against the reported incidents of rape — ‘yung binabanggit nilang metrics. But certainly, wala pong ni isa sa atin ang may gustong tumataas ‘yung mga insidenteng ‘yon, kaya tingin natin this is somewhere… This is common ground that we can find with Gabriela, perhaps, when it comes to taking care of our women,” ani Valte.

Habang tumanggi si Valte na magbigay ng komentaryo hinggil sa kaugnayan ng kahirapan sa paglobo ng bilang ng kaso ng karahasan laban sa kababaihan sa bansa.

Ayon sa Center for Women’s Resources, tumaas sa 1,602 ang naitalang kaso ng rape, incest at attempted rape noong  2013 kompara sa 1,319 noong 2012, nangangahulugan na sa bawat isang oras at 21 minuto ay may nabibiktimang kababaihan o bata sa Filipinas.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …