Friday , November 22 2024

Magsyotang estudyante nag-doggy style sa sinehan

BUTUAN CITY – Naaktohan ng mga gwardiya ng sinehan sa Gaisano Mall ang pagtatalik ng dalawang estudyante kamakalawa ng gabi.

Ayon sa head guard ng Gaisano Mall sa lungsod ng Butuan na si Salmiro Gerandoy, naghinala silang may gagawing kakaiba ang dalawang estudyante sa pagpasok pa lang sa sinehan.

Aniya, nakita niya ang kakaibang “public display of affection” ng dalawa na sobra sa karaniwang ginagawa nga mga magkakapareha.

Bunsod nito, pinabantayan niya ang dalawa sa kanyang mga tauhan. Nang nabatid na may kabastusan na ginawa ay agad nilang sinita ang dalawa.

Kinilala ang mga estudyanteng sina Resty Besin, 19, ng Brgy. Pagatpatan, lungsod ng Butuan, at Mitchie Adlaon, 19, residente ng Brgy. Doongan ng nasabi ring siyudad.

“Nag-doggy style po sila sir at hubad pa nang aming maabutan kaya ilang minuto pa bago naisuot ang kanilang pantalon,” ani Gerandoy.

Dinala muna ang dalawa sa tanggapan ng kanilang mall officials bago dinala sa Butuan City Police Station 1 at ipinatala ang kahalayang ginawa.

Aminado ang head guard na pangalawang insidente na itong kanilang naaktohan ngunit mas grabe ang ginawa ng dalawa dahil pareho nilang hinubad ang kani-kanilang pantalon kung kaya’t nakabuyangyang pa ang maseselang bahagi ng kanilang katawan nang mahuli.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *