SUPORTADO ng Malacañang ang panukala ng ilang mambabatas na buwagin na ang 19 government-owned and controlled corporations (GOCCs) na non-performing assets at nagamit pa sa pagda-divert ng pork barrel sa pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kasalukuyang sinusuri ng Governance Commission for GOCC (GCG) ang trabaho ng mga ito kung nararapat nang buwagin.
Ayon kay Lacierda, inirekomenda na ng GCG na buwagin na ang isa sa GOCC, ang Z-Nac Rubber Estate Corporation (ZREC).