Thursday , June 4 2026

Mini bus nag-dayb sa skyway

Isang mini bus ang nahulog sa Skyway southbound, dakong 5:17 Linggo ng madaling araw.

Sa panayam kay Gen. Louie Maralit, hepe ng Skyway Management and Security Division, nahulog ang mini bus galing sa elevated portion ng Skyway sa tapat ng Sun Valley, Bicutan.

Ang minibus ay ang shuttle bus gamit ng Skyway na panghatid sa mga empleyado at teller ng skyway.

Kinilala ang drayber nang nahulog na minibus na si Alan Nopal, 34-anyos.

Nasira ang railings sa Skyway na tinatayang nasa 10 hanggang 15 talampakan ang taas ng kinabagsakan ng bus.

Sinasabing bago mahulog, binangga muna ito ng isang Toyota Fortuner  (UXQ 851) dahilan para mawalan ng kontrol ang minibus na naging dahilan kung kaya nahulog ito.

Wasak na wasak ang harapan ng itim na SUV, may walong sakay galing Baguio City at pauwi na sa Laguna nang maganap ang aksidente.

Isang Camille Capile, 21-anyos, sakay ng Fortuner, ang nagkasugat sa ulo habang may mga pasa ang iba pa at wala pang ibinigay na detalye ang mga biktima.

Agad isinugod sa Taguig-Pateros District Hospital  ngayon ang drayber ng bus na nagkaroon ng minor injuries.’

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …