Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binata sugatan sa buy-bust

ISINUGOD  sa Ospital ng Maynila ang 23-anyos lalaki, matapos manlaban  at mabaril  ng mga tauhan ng Manila Police District-PS 5, sa isinagawang buy-bust operation, sa San Andres Bukid, Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa nasabing ospital  ang biktimang si Meise Megan Cosca, alyas “Boy”, ng 1254 Gonzalo St.,San Andres, sanhi ng tama ng bala sa puwit.

Sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Station Anti Illegal  Drugs-Special  Operations Task Group (SAID-STOG) MPD-PS5  sa pangunguna  ni SPOs1 Jeffrey delos Reyes at William Cristobal at nakuhanan umano ng 4  plastic sachet na hinihinalang shabu  si Cosca.

Nakuhaan din ng 9-pulgadang patalim ang binata at marked money.

Sa panayam sa kaanak ng binata, bigla na lang umanong pumasok sa kanilang bahay ang pitong kalalakihan at tila may hinahanap.

Bunsod nito, nag-hysterical ang ina ng biktima  kaya maging siya ay muntik na rin arestuhin kung saan pinagduduro pa siya sa mukha  at pilit na tinataniman ng droga sa bulsa ng kaniyang short ngunit pumalag siya kaya  ang kaniyang cellphone  ang kinuha.

Kasunod nito, pinosasan ang kaniyang anak patalikod  at biglang binaril sa puwit.

Dinala sa nasabing ospital  ang binata  habang dumiretso sa MPD headquarters ang pamilya ng biktima upang magreklamo sa tanggapan ng MPD-General Assignment Section (MPD-GAS).

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …