Thursday , June 4 2026

13 bagong hukom para sa Norte itinalaga ni PNoy

NAGTALAGA ng 13 bagong hukom si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III para sa iba’t ibang korte sa mga lalawigan sa norte.

Sa isang pahinang transmittal letter na ipinadala ng Pangulo kay  Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na may petsang February 14, nakarating sa SC noong Feb  20, sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., na kabilang sa mga  nilag-yan ng mga bagong hukom ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra,  Isabela, Cagayan, Quirino, Ifugao, Batanes, Kalinga at Aurora.

“I am pleased to transmit herewith the appointment letters of the following signed by His Excellency, President Benigno S. Aquino III,” ayon sa liham na linagdaan ni Ochoa.

Itinalagang huwes sina  RTC Judge Mario Anacleto Banez, Branch 25 Tagudin, Ilocos Sur.

Para sa Municipal Trial Court, si Judge Mayu-mi Manzano Abergas ay inilagay sa Cabarroguis, Quirino.

Para sa  Municipal Circuit Trial Courts, iniluklok sina Judges Charmi Christine Favorito Valera  sa 2nd MCTC Tayum-Penarrubia, Abra; Charles Javier Calapini ng 3rd MCTC, Sarrat – Vintar, Ilocos Norte; Rodrigo Valdez, Jr.,  ng 5th MCTC Sallapadan-Bucloc-Daguioman, Abra; Richard Ba-lucio ng 2nd MCTC, Pasuquin-Burgos, Ilocos Norte; Edwin Macaraeg ng  7th MCTC, Banayoyo-Lillidda-San Emilio, Ilocos Sur.

Itinalaga sa MCTC sina  Judges Ramorelia Lodriguito-Caranay ng 13th MCTC, San Manuel-Aurora, Isabela; Nympha Dugayon Abbacan ng 3rd MCTC Pinukpuk-Rizal, Kalinga; Michael Tagare ng 2nd MCTC  Maddela-Nagtipunan, Quirino; Pascual Kimayong  ng 4th MCTC, Lagawe-Hingyon, Ifugao; Clifford Lambertini Sobrevilla 8th MCTC   Branch 1, Aparri-Calayan, Cagayan at Glenda Antolin Pazziuagan ng 1st MCTC Basco-Mahatao, Batanes.

Ang mga bagong  appointee ay dumaan sa matinding screening ng Judicial and Bar Council (JBC) bago ipinadala ang kanilang mga pangalan sa tanggapan ng Pangulo.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …