Friday , November 22 2024

Court sheriff, tanod chief utas sa ambush

PATAY ang court sheriff at tanod chief makaraang tambangan ng hindi nakilalang riding in tandem sa magkahiwalay na lugar kamakalawa.

Sa Kidapawan City, naniniwala ang mga awtoridad na posibleng may kaugnayan sa trabaho ang motibo sa pagpaslang sa court sheriff dakong 6:45 p.m. kamakalawa sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang biktimang si Juanito “Nitoy” Diazon, court sheriff ng RTC 12, Branch 18 ng Midsayap, North Cotabato.

Ayon kay Midsayap Chief of Police Supt. Reinante Delos Santos, habang pababa ang biktima sa kanyang motorsiklo sa harap ng kanyang tindahan sa Brgy. Agriculture sa bayan ng Midsayap, bigla siyang nilapitan ng dalawang lalaki at siya ay pinagbabaril.

Samantala, hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang 39-anyos barangay tanod chief matapos pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Biak na  Bato, sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang biktimang si Michael Montehermoso, residente ng Sitio Gulod ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Florante Rasco, dakong 8 p.m. kamakalawa habang naghahapunan ang pamilya nang mapansin ng biktima na may umaaligid sa kanilang bahay dahil sa kahol ng mga aso.

Agad lumabas ng bahay ang biktima upang magtago ngunit nakita siya ng mga suspek na mabilis siyang pinaputukan at pagkaraan ay mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.                (BETH JULIAN/

DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *