Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Denise Laurel, namura at na-bash din dahil kay Vhong

ni Roldan Castro

NA-SHOCK pala si Denise Laurel noong first day na pumutok ang pambubugbog kay Vhong Navarro dahil pati siya ay napagkamalang si Deniece Cornejo dahil kapangalan niya. Nasaktan din siya dahil kahit siya ay nakatanggap ng mga mura at pamba-bash sa social media.

“Anong nagawa ko?,” reaksiyon  niya.

Nalulungkot din siya ‘pag naiisip niya ‘yung totoong nangyari na may nasaktan, may naagrabyado, at ngayon ay may kaso-kaso kaya iniisip din niya ang kalagayan ng mga taong involved. Friends sila ni Vhong at naapektuhan na siya, ‘di lalo na raw kung miyembro ito ng pamilya. Mahirap daw na gawing joke ang lahat.

Anyway, tuwang-tuwa si Denise dahil mag-iisang taon na ang serye nilang Annaliza ng ABS-CBN 2. Proud siya sa mga kasamahan niya sa show dahil nagiging family daw sila. Walang awayan sa set, walang awkward.

“Nagulat ba kayo na si Laz (Patrick Garcia) ang namatay?,” bungad niya sa amin.

Marami pa raw aabangan dahil bagong chapter ang mapapanood sa buhay ni Annaliza.

Siya na ngayon ang tumatayong lider ng pamilya Benedicto after na mamatay ang karakter ni Patrick Garcia bilang asawa niya. Mahirap daw dahil kahit si Mamita (Jean Saburit) ay siya ang mag-aalaga.

“Si Arlene galit sa akin kasi akala niya, ipinakulong ko ‘yung mommy (Kaye Abad) niya na walang kasalanan. Itinatago namin sa kanya dahil ayaw namin siyang masaktan,” kuwento pa niya.

Hindi siya sure kung may bagong karakter na papasok sa Annaliza sa pagkatsugi ni Patrick dahil marami pa raw plot na puwede nilang i-focus sa serye. Kung magpapasok pa raw sila ng bago, baka masayang daw ‘yung stories.

Tsuk!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …