Thursday , June 4 2026

Napoles dinugo, hospital arrest hiniling sa korte

HUMIRIT sa Makati Regional trial Court (RTC) ng  hospital  arrest  ang kampo ng tinaguriang isa sa mga utak ng P10 billion pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles.

Ayon sa abogado ni Napoles na si Atty. Fay Isaguirre Singson, natuklasan ng doktor na may ovarian tumor si Napoles at kailangan ng tuloy-tuloy na gamutan at mas madalas na medical check-up.

Dumaranas aniya ang kanyang kliyente ng pagdurugo, hypoglycemia, pagbaba ng timbang at pananakit ng dibdib at tiyan.

“Accused humbly begs the kindness and human compassion of the honorable court to allow the examination to be done by a certified medical physician pre-ferably her current doctor and in a reputable hospital such as St. Luke’s Hospital to ensure the correct prognosis and prescription,” bahagi ng kanilang mosyon.

Una rito, hinihiling ng ilang grupo na ilagay na lamang si Napoles sa regular jail facility im-bes sa Fort Sto. Domingo dahil itinuturing nilang VIP ang paglalalagay sa akusado sa hiwalay na kulungan. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …