Thursday , June 4 2026

Utos ng SC para sa Senior Citizens, iginiit na ipatupad na ni Brillantes

Nanawagan ang iba’t ibang grupo ng Senior Citizens kay Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes na ipatupad na ang utos ng Supreme Court (SC) na iproklama ang da-lawang karapat-dapat na kinatawan ng Senior Citizens Party-List alang-alang sa may walong milyong nakatatanda sa buong Filipinas.

Sa pulong sa Malolos City, Bulacan, iginiit ng mga Senior Citizen sa pangu-nguna ni Samahan ng Nakatatanda sa Malolos (SANMALOS) president Pedro Isip na noong Hulyo 2013 pa iniutos ng SC sa Comelec na iproklama ang dalawang nominado ng Coalition of Association of Senior Citizens of the Philippines, Inc., matapos matamo ang mahigit 676,000 boto sa halalan noong Mayo 2013 pero halos pitong buwan na ang lumipas ay pikit-mata pa rin sinusuway ni Brillantes ang desisyon ng SC.

Naunang iginiit ng SANMALOS na dapat busisiin ng Office of the Ombudsman at imbestigahan ng Department of Justice – National Bureau of Investigation (NBI) kinapuntahan ng P420 milyon Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng Senior Citizens Party-List sa nakaraang 15th Congress na nakaupo sina dating Reps. Godofredo Arquiza at David Kho.

Kinuwestiyon din ng Senior Citizens sa Aliaga, Nueva Ecija ang sinasabing P10-milyon proyekto ng Senior Citizens Party-List sa kanilang bayan dahil apat na haligi at bubong lamang ang ipinatayo roon at hindi gusali.

“Masyadong kawawa ang mga nakatatanda sa buong bansa dahil hindi namin napakinabangan ang P420 milyong PDAF,” sabi ng kinatawan ng Senior Ci-tizens sa Nueva Ecija na si Delfin Joson. “Maraming anomalya sa paggamit sa aming PDAF kaya nagtataka kami kung bakit tinuwaran maging ng Ombudsman ang aming mga reklamo. Ang dapat, makulong ang mga nagwaldas sa pondo namin!”

Kinuwestiyon din nila ang milyon-milyong pondong inilaan  ng Senior Ci-tizens Party-List halimbawa para sa Alternative Learning System Program sa Ba-lagtas, Bulacan na kabilang sa benipisyaryo ang “minorities” gayong wala naman tribu sa nasabing bayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …