Friday , November 22 2024

Martinez tumapos ng pang-19th

BAGAMA’T nabigo  ang Pinoy na si Michael Christian Martinez sa kanyang pagtatangkang manalo ng medalya sa men’s figure skating sa 2014 Sochi Winter Olympics, Sochi, Russia, nagbubunyi pa rin ang sambayanang Pilipino dahil sa ipinakitang galing ng nag-iisang entry ng Pinas sa quadrennial meet.

Tumapos lang si Martinez sa ika-19 na puwesto habang nakuha ng Hapon na si Yuzuru Hanyu ang ginto.

Si Hanyu ang unang Asyanong nakakuha ng ginto sa men’s figure skating sa kasaysayan ng Winter OIympics.

Nakuha ng taga-Canada na si Patrick Chan ang pilak na medalya habang napunta kay Denis Ten ng Kazakhstan ang tanso.

Ngunit kahit hindi nagtagumpay na manalo ng medalya si Martinez, nagpasalamat pa rin siya sa mga kababayang sumuporta sa kanya sa pamamagitan ng social media.

“Sobrang saya. Sobrang nakatataba ng puso,” wika ng 17-taong gulang na si Martinez sa panayam ng TV5. “Thankful na continued pa rin ang prayers nila at support sa akin.”

Inamin din ni Martinez na inatake siya ng nerbiyos.

Samantala, inanunsiyo ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan na magbibigay siya ng $10,000 bilang bonus kay Martinez dahil sa kanyang ipinakita sa Sochi .

Ang bonus ay ibibigay sa pamilya ni Martinez sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation, ayon sa executive director nitong si Vincent “Chot” Reyes.

Naunang nag-mortgage ng ina ni Martinez ang kanilang bahay para lang magkaroon ng pondo upang makabiyahe sila sa Sochi at binatikos din ng pamilya ang kulang ng suporta mula sa Philippine Sports Commission at ang Philippine Olympic Committee na itinanggi naman ng tserman ng PSC na si Richie Garcia.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *