Friday , November 22 2024

Amok, kaanak tigok sa parak (Ina, tanod sugatan)

PATAY ang isang lalaking nag-amok nang ba-rilin ng isang pulis matapos saksakin ang kanyang ina, isang kaanak at barangay tanod sa  Sta. Cruz, Maynila, kamaka-lwa ng gabi.

Namatay din ang kaanak ng amok  na kinilalang si Madlyn Kane Lee, 31, residente sa 2137 M. Hizon St., ng nasabing lugar.

Dead on the spot  ang amok na si Mark Victor Yanguas, 26, binata, ng Blk.14, Lot 11, Fern St, Evergreen County, Za-pote, Biñan, Laguna matapos barilin ng nag-respondeng kapitbahay na pulis na si PO1 Christian Greg Reyes, 30, nakatalaga sa Kamuning Police Station (PS10) Quezon City.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga sugatang biktima na sina Maria Josie Yanguas, 51, ina ng amok; at isang Edgardo Alcantara, 45, tanod ng Brgy. 345, Zone 45 , Dist. III, residente sa Yuseco St.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Escarlan, dakong 9:30 kamakalawa ng gabi, takot na takot na nagtungo ang amok na si Yanguas,  sa bahay ng kanyang kaanak na si Lee,  dahil may humahabol umano sa kanyang grupo ng armadong kalalakihan.

Bunsod nito, tinawagan ni Lee ang ina ni Yanguas na si Maria Josie, para pauwiin ang lalaki, ngunit biglang nagtatakbo sa kusina saka kumuha ng patalim.

Naghuhugas si Lee nang biglang daluhungin ng saksak sa likod ni Yanguas.

Nakatakbo ang babae patungong kwarto pero nang muli siyang makorner ni Yanguas ay muli siyang pinagsasaksak.

Kasunod nito pinagbalingan din ng amok ang kanyang ina at sinaksak rin sa likod.

Dahil sa nagaganap na komosyon sa loob ng bahay,  napansin ng kapitbahay na pulis na si Reyes ang kaguluhan kaya agad siyang nagres-ponde kasama ang tanod na si Alcantara.

Ngunit nang makita sila ng amok na  papa-lapit, nagkulong sa kuwarto habang hawak ang patalim sa isang kamay at hawak sa kabila ang  dos por dos na kahoy.

Pinilit buksan ni Reyes  ang pinto ng kuwarto pero agad silang  inundayan ng pamalo at panaksak ng suspek na ikinasugat ni Alcantara.

Pinutukan ni Reyes si Yanguas na agad tinamaan sa hita.

Kahit may tama ng bala sa hita, nanlaban pa rin si Yanguas kaya muli siyang binaril sa dibdib ni Reyes na agad niyang ikinamatay.    (L. BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *