Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Musical director ni Charice, binastos si Rex Smith?

GAANO kaya katotoo ang balitang binastos ng musical director ni Charice ang foreign artist na si Rex Smith?

Ayon sa natanggap naming balita, nagsa-sound-check daw si Smith bilang paghahanda sa kanyang concert sa Radisson Hotel, Cebu last Monday nang dumating ang beking musical director ni Charice.

Nasa bansa si Smith para sa kanyang concert tour sa ‘Pinas.

Mainit daw yata ang ulo nito dahil walang kaabog-abog na sinigawan si Smith ng ‘get out of my stage’.

Nagulat ang mga nakasaksi sa pangyayari. Kaya ang tanong ng mga ito, hindi ba kilala ng musical director ni Charice  si Rex Smith at ganoon ang ginawa niya sa international artist?

Bukas ang pahinang ito sa anumang pahayag na magmumula sa kampo ni Charice.

Samantala, hindi naman daw nagpatalbog si Charice sa kanyang musical director dahil ito rin ay gumawa ng eksena bago mag-concert sa Marriot Hotel kamakailan.

Ayon sa aming very reliable source, nag-eskandalo raw si Charice sa lobby nang hindi mapagbigyan ng management na bigyan siya ng libreng kuwarto.

Totoo kaya ito Charice? Pakisagot nga.                        (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …