Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lips to lips nina Daniel at Kathryn na ‘di naipalabas, inalmahan ng fans (Mga soap ng GMA, nga-nga sa Got To Believe)

About the author

Alex Brosas

 
NAG-TRENDING ang isang eksena sa soap nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Talagang pinag-usapan sa social media ang kissing scene nila.

Pero nabitin ang lahat ng nanonood ng soap dahil sadyang hindi ipinakita ang lips to lips ng dalawa. Marami tuloy ang naokray sa MTRCB at nagtatanong kung bakit hindi naipalabas sa TV ang lips to lips nila Daniel at Kathryn.

Anyway, walang tumalo sa Daniel-Kathryn soap. Nganga lahat nang itapat ng Siete.

Otso ni Direk Elwood, basura?

SUCCESSFUL ang screening ng Otso sa Cine Adarna ng UP recently. Present ang cast especiallyVince Tanada na bida sa obra ni direk Elwood Perez.

Intinding-intindi ni Vince na ang Otso ay hindi isang ordinary film kaya naman varied ang reactions ng mga nakapanood dito.

“That is the beauty of the film. It created a lot of debate. A lot of people liked it. To some of the people na nakapanood ay basura raw ‘yung ‘Otso’. That is the beauty of ‘Otso’ actually, ‘yung pagkatapos nilang panoorin ay pinagdedebatehan nila kung maganda ba ‘yung Otso  o hindi,”paliwanag niya.

He then explained the essence of the movie.

“Actually, mental process po ito ng isang writer. ‘Di ba ‘pag nagsusulat tayo ay talagang minsan may pumapasok na hindi naman totoo. Kaya lang ‘yung pagkagawa ng movie ay may pagka-Felliniesque, a mixture of reality and dream na hindi in-spell out sa pelikula kung ano ang reality o kung ano ‘yung totoo. Hindi mo alam kung reality ba ‘yon o dream lang kaya talagang marami ang nako-confuse. Sa World Cinema naman ay ganoon talaga.

“Lahat tayo sinasabi na si Elwood is a melodramatic director pero pinatunayan niyang kaya niyang gumawa ng isang matinding art film na puwede sigurong isali sa international film festival. Isa itong  patunay na hindi lang siya box office director na isa sa stalwarts ng Regal films kung hindi  isa rin siyang magaling na director. I totally believe na he’s a genius,”pagbibigay-pugay ni Vince kay direk Elwood.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …

Ai Ai delas Kim Rodriguez Batang Paco

Kim Rodriguez nanlamig, kinabahan habang kaeksena si AiAi

MATABILni John Fontanilla ZERO ang lovelife ni Kim Rodriguez dahil mas gusto nitong tutukam ang career. Kuwento …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …