Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jayson, mas magaling na komedyante kompara kay Vic

NAPANOOD namin ang Mumbai Love and we realize na mas magaling palang komedyante itong si Jayson Gainza kaysa kay Vic Sotto.

Sobrang nakatatawa ang mga eksena ni Jayson sa movie, sa kanya ang pinakamalakas naming tawa. We feel na mas magaling talaga siyang magbitaw ng patawa kaysa veteran comedian. As baklang nanay-nanayan ni Solenn Heussaff ay minani lang ni Jayson ang kanyang role.

Fell-good lang ang movie about two people who met in Mumbai na nagkahiwalay and then nagkitang muli. Bida sina Kiko Matos at Solenn. Malakas naman ang dating ni Kiko although he’s no matinee idol. As usual, sexy na kikay si Solenn so there is no effort in her role really.

Maganda ang kuha sa India at talagang feel-good movie ito. Kaya lang, dapat igsian ang pelikula dahil sobrang haba.

Jeremiah, nagbabalik!

NAGBABALIK ang Jeremiah, ang grupong nagpasikat ng awiting Nanghihinayang.

Sa The Crowd Bar sa Madison Square, Pioneer St., Mandaluyong namin sila natagpuan nang i-announce ni Richard Villanueva, entertainment director ng nasabing bar, na isa ang grupo sa mga nightly performer nila which include Robin Nivera, Laarni Lozada, at Joey Generoso of Side Aat iba pa.

Matagal nang na-disband ang Jeremiah pero nag-decide silang maging buo muli kahit na wala na ang dalawang original members nila.

Aminado ang isa sa orig member na mahirap magsimula muli kaya naman very thankful sila kay Richard na nagbigay sa kanila muli ng break.

Brainchild ni Cora Rodrigo of  Goldmine Production ang The Crowd Bar sa tulong ng co-owners niyang sina Pia Espedio, Zaldy Carpeso, Cris Roxas, at Gene Sison. Sponsors ng launching angJancen Cosmetic Surgery at si Joy Sison.

Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …