Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jolo at Jodi, puwede nang magkapakasal

ANYTIME, puwede nang pakasalan ni Vice Gov. Jolo Revilla si Jodi Sta. Maria dahil may blessings na sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Cong. Lani Mercado. Isa pa annulled na ang kasal ni Jodi kay Pampi Lacson. Tanggap ng dalawa ang mga anak nila sa unang naging syota nila.

Matutuloy na rin ang privilege speech ni Bong sa Senado kaugnay ng Pork Barrel Scam ngayong araw, Enero 20. Inaabangan ito ng masa dahil nakapagsalita na sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Juan Ponce Enrile.

Year of the Horse pala ipinanganak si Sen. Bong kaya inaakala niya na suwerte ang dulot ng 2014 para sa kanya.  Good luck Sen. Bong!

Claudine, laos na kaya nag-iingay?!

NAKAKALOKA na talaga si Claudine Barretto. Dahil birthday ng nanay nilang si Inday Barretto, nagparating na siyang babatiin na sina  Gretchen Barretto at  Raymart Santiago para peaceful na ang lahat.

Pero takang-taka rito si Gretchen at hindi pa siya kumbinsido. Si Raymart naman ay nagsabing, ”To see is to believe”.  Hanggang hindi raw ito ginagawa ni Claudine, hindi pa siya maniniwala.

Kung pakulo-papansin lang ito ni Claudine dahil palaos na siya, mukha namang nagtatagumpay siya dahil apektado ang mga kagalit niya!

Kasalang John at Isabel, ‘di pa matutuloy

NAGTATAKA si John Prats kung paano kumalat ang balitang magpapakasal na raw sila ni Isabel Oli.

“Nasa plano’ yan pero hindi pa ngayon,” diin niya.

Oo nga naman, magpapataba pa nang husto si John!

Roland Lerum

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …