Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

ABS-CBN sports+action channel, pinakabagong destinasyon ng mga Kapamilya Sports fan

TIYAK na marami ang matutuwa sa mahihilig sa sports dahil may bagong channel silang mapapanooran ng kanilang mga paboritong sports. Handog ito ng ABS-CBN sa kanilang mga Kapamilya sports fans.

Magsisimula ngayong Sabado, (January 18), ang pinakabagong channel ng ABS-CBN na tututok sa mga maaksiyong local at international sporting events. Ito ay handog ng ABS-CBN sa layuning “In TheService Of The Filipino” ang isang free-to-air television channel para sa mga Kapamilyang hindi lang nanonood at humahanga, ngunit sumusuri, at nakikilahok din sa iba’t ibang uri ng sports.

Nagtulong-tulong ang ABS-CBN Sports+Action, cable TV, pay-per-view at digital platforms ng ABS-CBN sa paglulunsad ng pinakabagong sports destination para sa mga Pinoy sports fan.

Magpapatuloy sa ABS-CBN Sports+Action ang coverage ng collegiate teams ng UAAP, ang highest-ranked Southeast Asian na Azkals, ng kampeonatong si Nonito Donaire ng Top Rank at ng laban ng mga boksingero ng ALA Boxing sa Pinoy Pride at sa kanilang pakikipagbakbakan ng buong puso at determinasyon.

Abangan din ang mga special coverage sa mga court ng National Basketball Association (NBA), mga octagon ng Ultimate Fighting Championship (UFC), at football fields ng 2014 Fédération Internationale de Football Association (FIFA) World Cup tampok ang mga iniidolong atleta sa buong mundo.

At siyempre, hindi mabubuo ang sports kung walang balitaan, kaya subaybayan ang “News +” kasama si Anthony “Tunying” Taberna na magbabahagi naman ng current affairs na ipapa-intindi niya ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na buhay. Iuulat naman ni TJ Manotoc sa The Score, ang bagong 15-minutong programa ng makabuluhang balita sa mundo ng sports.

Para naman sa mga mahilig sa action, dagdag pasabog pa ang mga hindi malilimutang pelikula ni Fernando Poe Jr., ang King Of Philippine Movies sa FPJ: Hari ng Aksyon. Ipinakikilala rin ng ABS-CBN Sports + Action ang mga panibagong shows na The Ultimate Fighter: China at Zero Hours kasabay ng mga manunumbalik na seryeng CSI, NCIS,  Once Upon a Time, at WWE.

Kaya kung mahilig ka sa basketball, boxing, football, volleyball, contact sports, tennis, golf,  at iba pang university sports games, dito na kayo tumutuok. Halina’t abangan ang bagong tatangkilikin ng bawat Kapamilya sports fan, ang ABS-CBN Sports + Action sa Channel 23 simula ngayong Sabado (January 18).

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …

Ai Ai delas Kim Rodriguez Batang Paco

Kim Rodriguez nanlamig, kinabahan habang kaeksena si AiAi

MATABILni John Fontanilla ZERO ang lovelife ni Kim Rodriguez dahil mas gusto nitong tutukam ang career. Kuwento …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …