Saturday , November 23 2024

VAT suspension sa koryente iapela sa Kongreso (Payo ng BIR)

HINAMON ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Kongreso na magpasa ng panukalang batas para maisakatuparan ang isinusulong na pagsuspinde ng Value Added Tax (VAT) sa singil sa koryente.

Ayon kay BIR Commission Kim Henares, hindi pwedeng executive order para suspendihin ang VAT sa koryente kundi kailangan amyendahan ang umiiral na batas.

Aniya kahit pa suspensyon  lamang  ang mungkahi, hindi ito maaaring gawin ng BIR dahil nakasaad sa batas ang pagkolekta ng VAT sa koryente.

Aminado ang BIR na malaking kawalan sa pamahalaan ang VAT sa koryente sakaling masuspende ito dahil nasa P30 bilyon ang kinikita nito bawat taon.

Nabatid na maraming mga senador ang nagsusulong ng suspensyon ng VAT sa koryente sa harap ng mataas na singil nito dahil sa nagkaaberyang power plants.           (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *