Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, may sariling career na ‘di umasa kina Pops at Martin

HUMAHATAW si Robin Nievera at may sarili siyang career na hindi umaasa sa magulang niya—ang Concert Queen na si Pops Fernandez at ang Concert King na si Martin Nievera.

Humarap siya sa press para sa kanyang concert sa  The Crowd  Bar and Restaurant sa 2nd floor ng Madison Square, Pioneer St. Mandaluyong City dahil ngayong araw, January 16  ay magkakaroon siya ng concert.

Sinabi ni Robin na magkaibang-magkaiba ang tipo ng awitin nilang mag-ama. Kung  ballad si Martin, siya naman ay rock. Bagamat kung pakikinggan mo ang boses nilang mag-ama ay magkapareho,  hindi raw kaya ni Robin ang mataas at birit  na kanta ng kanyang ama.

Samantala, kagabi ay napanood ang birthday concert ng lead vocalist ng Side A band na si Joey Generoso sa The Crowd. Tuwing Huwebes regular ding napapanood dito ang Jeremiah at ‘pag Friday naman ay naka-set ang The Crowd Diva na si Laarni Lozada, at ang entertainment Director na si Richard Villanueva.

Ang The Crowd ay pagmamay-ari ng concert at indie movie produ na si Cora Rodrigo ng Goldmine Production katuwang sina Pia Espedio, Zaldy Carpeso, Cris Roxas, at Gene Sison. Puntahan na rin ito ng mga celebrity gaya nina Vice Ganda, Pops Fernandez, Tereza Loyzaga, at Vivian Velez.

Talbog!

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai delas Alas Gerald Sibayan

Ai Ai delas Alas single na uli 

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL nang diborsyada si Ai Ai de las Alas sa asawang si Gerald Sibayan ayon sa …

Gil Cuerva

Gil Cuerva nagsalita na: video paglabag sa kanyang privacy

RATED Rni Rommel Gonzales SIMPLE, diretso, at walang paligoy-ligoy ang official statement ni Gil Cuerva tungkol sa …

Kim Molina Jerald Napoles

KimJe balik trabaho na

RATED Rni Rommel Gonzales ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa mga video …

Derrick Monasterio Elle Villanueva Boy Abunda

Derrick tinalikuran pagiging babaero 

RATED Rni Rommel Gonzales KAPURI-PURI  si Derrick Monasterio sa pagiging matapat nito. Sa recent guesting kasi nila ng …

Caprice Cayetano Heath Jornales

Caprice napogian, kinilig kay Andres

MATABILni John Fontanilla MUKHANG hindi type ni PBB Collab 2.0 Big Winner Caprice Cayetano ang ipinapareha sa kanya ng …