Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim at Xian, paborito ng mga bossing (Dahil money maker ang tambalan…)

ISA kami sa maraming nanood sa premiere night ng Bride For Rent mula sa Star Cinema noong Martes sa SM Megamall Cinema 7 at wala kaming masabi sa suportang ibinigay ng big bosses ng ABS-CBN kina Kim Chiu at Xian Lim.

Halos lahat ng mga bossing ay present maliban kina Papa Gabby Lopez III at Ma’am Charo Santos-Concio.

Totoo talaga ang tsikang paborito sina Kim at Xian ng mga bossing dahil isa raw sila sa money-maker ng network?

Trulili naman dahil sa TVC talaga sila bumabawi kasi hindi naman lahat ng pelikulang ginawa ni Kim ay kumita at sa katunayan ang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo palang daw ang kumita na umabot sa P150-M plus.

“Ang mga naunang pelikula ni Kim with Gerald (Anderson) ay flop at ‘yung isa ay naka-break-even kaya kung susumahin mo, isa pa lang ang hit movie ni Kim, ‘yung ‘Bakit hindi Ka Crush Ng Crush Mo’ at hopefully, itong ‘Bride for Rent’,”tsika sa amin.

At si Xian ang bagay na loveteam kay Kim kaya kumita?

Base naman sa napanood namin ay naniniwala kaming kikita ang Bride for Rent na romantic comedy mula sa direksiyon ni Mae Czarina Cruz maski hindi niya masyadong na-capture ang magagandang anggulo nina Kim at Xian, baka puyat si direk, hindi kaya?

Xian, wala pa ring acting

Anyway, habang papunta kami sa premiere night ay iniisip naming magdurusa na naman kaya kami sa acting ni Xian? Pero binigyan pa rin namin siya ng benefit of the doubt at gusto namin siyang bigyan ng magandang rebyu pero sad to say, waley pa rin, ateng Maricris.

Sa totoo lang, napapangiwi kami sa eksena ni Xian nang malaman niyang hindi pa puwede makuha ang P80-M trust fund na ibinigay ng lola niyang si Ms Pilipita Corrales dahil kailangan niyang mag-asawa muna ay waley kaming nakitang acting kundi sumigaw ng sumigaw at parang hindi rin siya masyadong pinalakpakan ng fans nila ni Kim.

Mas magaling pa sa kanya si Empoy bilang comic relief dahil napaka-natural ng arte na hindi dumating sa premiere night. Baka may taping ng Tropang Unli?

Ay muntik kong malimutan ateng Maricris, marunong na pala siyang umiyak sa eksenang nalaman niyang fake ang kasal nila ni Kim dahil kinuntsaba ng Lala (tawag niya kay Pilita) niya si Kim na magpakasal sila, ha, ha, ha.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …