Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jackie Chan, muling magbibida sa Police Story 2013

NAGBABALIK-AKSIYON si Jackie Chan sa walang tigil na bakbakan sa Police Story 2013 na ipalalabas na ngayong Enero 22.

Ginagampanan ni Jackie sa Police Story 2013 ang karakter ng pulis na nagngangalang Zhong Wen. Isang matapat at masigasig na tagapagtanggol ng batas.  Sa tagal n’ya sa serbisyo ay marami na rin siyang naipabilanggong kriminal na talamak sa syudad na kanyang pinagsisilbihan.

Nang isang gabing magkikita sila ng kanyang anak na babae na si Miao Miao sa isang sikat na bar na pag-aari ng kasintahan nito ay ‘di inaasahang nagkaroon ng pangho-hostage na pinangunahan ng kasintahan ng kanyang anak.

Sa una pa lamang na pagkakita ni Zhong Wen sa bar ay ‘di na niya gusto ang nakita sa loob at may kakaiba siyang kutob sa lugar. Kung kaya’t noong nagsimula na ang kaguluhan ay naipit si Zhong Wen sa sitwasyon dahil kailangan n’yang iligtas ang mga tao at pangalagaan ang anak mula sa kasintahang kasama sa sindikato.

Nang tumagal ay nalaman nila na palalayain lamang ang mga tao kung ang isang kilalang kriminal na nakakulong ay palalayain.

Sa ganitong pagkakataon ay sinamantala ng mga kalaban ni Zhong Wen ang kanyang kahinaan at lalo pang inipit sa sitwasyon na pumili sa kanyang anak o tuluyang gawin ang kanilang kondisyon na palayain ng walang banta ang kriminal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …