Saturday , May 4 2024

Willie, itinangging ikinulong sa Solaire Casino (‘Di rin daw totoong may utang na P300-M …)

PAALIS na kami ng  Wil Tower Mall nang saktong masalubong sa labas ang sikat na TV host na siWillie Revillame. Pareho pa rin siya ng dati na ‘pag nakita kami ay bibigyan ka ng pansin at oras para makakuwentuhan. Parang hindi siya ‘yung may-ari ng mall na simple at nakikita hanggang sa labas. (Naka-short nga lang at naka-tsinelas. Simpleng-simple lang –ED)

Saglit kaming nakipagtsikahan hanggang yayain niya kaming mag-dinner sa WBR (restaurant niya sa baba ng Wil Tower Mall na napakasarap ng pagkain) kasama sina Karen Martinez at ang aming entertainment editor na si Maricris Nicasio.

Kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa lumabas sa isang tabloid (hindi sa Hataw) na  ikinulong umano siya ng dalawang araw ng financier ng casino late last year sa Solaire dahil sa utang daw nito na almost P300-M. Bakit ganoon ang dami-daming lumalabas at iba-ibang figures? Baka may lumabas pang P1-B ang natalo niya, huh. Hindi na lang ito pinapansin ni Wil, pati ang  tsismis na hindi raw siya pinakawalan ng mga tauhan ng nasabing financier hanggang hindi binabayaran ang utang.

Mariing itinanggi ito ni Willie. Paano raw mangyayari ‘yun, di nga raw siya nag-aaalis. Araw-araw ay tutok siya sa kanyang negosyo sa Wil Tower Mall at sa ipinagagawang five star hotel sa Tagaytay. Bukod dito, ang libangan niya talaga ay ang paglalaro ng golf at lagi siyang nakikipag-meeting.

Sabi nga ng isang malapit kay Wil, ‘yung matalo ka nga lang ng P1-M sa casino, parang masisiraan ka ng ulo, ‘yun pa kayang P300-M lalo na kung galing sa pinaghirapan mong pera?

Tinanong na lang namin si Kuya Wil kung ano ang plano niya sa nalalapit na kaarawan sa January 27?

Wala pa raw lalo’t busy siya sa malaki niyang project. Actually, habang nagpapahinga siya sa telebisyon, tutok ang oras niya sa negosyo lalo na ‘yung Wil Tower mall na tapat ng ABS-CBN 2na napakasosyal, napakaganda, at madaling puntahan.

Noong mga oras na ‘yun dumating ang foreign executive ng Marriott Hotel na balak patayuan ng hotel ang katabing bakanteng lupa ng Wil Tower mall na matagal na rin niyang nabili noon. Interesado raw ang kilalang Marriott Hotel na tayuan ng hotel ang lupa ni Kuya Wil. Inilatag sa kanya ang proposal sa naturang proyekto.

Bongga!

TV Network, ililipat sa Bulacan para gawing mala-Hollywood

HOW true na may malaking plano ang isang malaking network sa Quezon City? Mga two to three years lilipat daw sila sa San Jose, Bulacan.

Pero bongga naman dahil parang Hollywood ang gagawin na may itatayo na rin silang hotel na tutulugan ng mga artista ‘pag nagti-taping.

Doon na rin kukunan ang lahat. Kung kailangan ng batis, bundok, park sa eksena, nandoon na lahat.(Mala-Hollywood na talaga?!—ED)

Ano naman ang mangyayari sa iiwanang lugar  sa QC? Balak daw nilang gawin na ala-Rockwell. ‘Pag natuloy ang plano na ito sosyal na sosyal ang nasabing lugar sa QC. At sila rin ang kauna-unahang TV  network na mala-Hollywood.

Hulaan niyo na lang kung anong TVstation ito dahil tatlo lang naman ang network na naglalaban ngayon.

Diego, nag-propose na kay Angela

GUWAPONG-GUWAPO ang baby boy ni Diego Castro nang ipakita niya ang larawan nito na nasa kanyang wallet. Ito ang bunso niyang anak kay Angela Lagunzad na engaged na sila. Ten years na silang nagsasama. Nag-propose na ng kasal si  Diego noong Friday  sa kanilang morning show saUNTV 37.

Nakatsikahan ng PMPC si Diego noong December. May dalawa siyang anak kay Raven Villanuevaat isang anak sa dating starlet na si Czarina Polman. Ang nakatutuwa, nasa kanya lahat ang mga anak niya.

Sina Diego at Angela ay parehong napapanood sa UNTV 37. Pero kasama si Diego sa bagong serye ng GMA 7.

Tsuk!

Roldan CAstro

About hataw tabloid

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *