Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Billy, napilitang aminin ang panliligaw kay Coleen (Dahil nagalit at ‘di na pinapansin ang binata…)

MARAMING nag-abang sa interbyu ni Billy Crawford sa Buzz ng Bayan noong Linggo para malaman kung ano ang bago nitong sasabihin sa relasyon nila ni Coleen Garcia.

Inamin na ni Billy na finally ay nililigawan na niya ang dalaga, bago ba ito sa pandinig ng tao, atengMaricris?

Hindi nga ba’t iniwan ni Nikki Gil si Billy Boy dahil kay Coleen na maraming nagsabing nagdi-date sila palagi?

Pero itinanggi ni Billy na si Coleen ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Nikki pero inamin niyang nakakasama nga niya ang isa sa hurado ng Showtime sa mga lakaran kasama rin ang ibang kaibigan sa showbiz.

Isa kami sa nagsulat tungkol sa relasyon nina Billy at Coleen dahil marami kaming sources. Katunayan ay inaway-away pa ng dalaga ang isa sa nagkuwento sa amin dahil nga detalyado ang pagkakasulat namin.

At minsang nagkita kami ni Coleen sa isang birthday party sa Resorts World ay nahihiya siyang lumapit sa amin dahil nga alam niyang buwisit kami sa kanya sa pagde-deny niya pero sinamahan siya ng kaibigan namin at naging maganda naman ang gesture kaya ngumiti na rin kami.

Samantala, inamin ni Billy na nagkita at nagkasama sila ni Coleen noong nasa Amerika sila at nanood pa sila ng show.

At pagdating dito sa Pilipinas ay hindi na raw pinapansin ni Billy si Coleen na ewan kung anong drama na naman ito.

Kasi nagagalit daw si Coleen kay Billy dahil hindi siya kayang panindigan at kesyo ano ba talaga ang tunay nilang relasyon, kaya ang ending, nagpa-interbyu ang TV host/actor sa Buzz ng Bayanpara amining nanliligaw na nga siya sa dalaga.

Nakakagulat pa ba ang pag-amin ni Billy, ateng Maricris?

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …