Thursday , June 4 2026

Anne, may ‘K’ maging Dyesebel

TINANONG ko ang ilang fans na hindi fans ni Anne Curtis kung okey bang ito ang magingDyesebel sa movie or TV?  Hindi sila nag-isip sa pagsagot. Aba, okey daw at bagay daw sa magandang actress na maging Dyesebel, dahil maganda naman ang hubog ng katawan na tiyak mae-eemphasize sa suot na costume.

Rubberized ang buntot  na kapag bilbilado ka,  hindi magandang tingnan. Magiging baku-baku. Eh, sa edad, naku, wala raw sa mukha ni Anne kung matanda siya para sa role dahil halos ka-edad niya noon ang mga nagsipagganap sa unang Dyesebel na sina Vilma Santos, Alice Dixon, Alma Moreno, at Charlene Gonzales. Hindi kailangan pang maging bata ang gaganap ng Dyesebel at tama nang si Anne na maging Dyesebel.

Sayang din si KC Concepcion, isa sa mga choice ng producer na maging Dyesebel at lalong “k na k” kaso hindi yata tinanggap ng magandang young star dahil may plano itong mag-aral sa ibang bansa. Mas type namin ang ganitong priority ni KC, ang maging isang degree holder, tutal she’s too young pa at ‘pag may natapos siya, maganda ang fall back niya ‘pag nagsawa siya sa showbiz. ‘Yun lang po!!!!

Letty G. Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …