Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, natetengga sa TV5

ANO ba ang nangyari sa mga ipinangakong project ng TV5 sa nag- iisang superstar Nora Aunor?

Nakakahinayang, nasa naturang network na ang magaling na aktres and yet, kung ano-anong anik-anik lang ang napapanood. Sa rami kasi ng dumagsang naglipat-bahay, hindi malaman kung sino ang bibigyan ng trabaho!

Balita namin, pirma na lang ni Pres. PNoy ang hinihintay para maaprubahan ang pagiging National Artist ng aktres. Sana naman, matupad na ang pinapangarap ng marami para kay Guy dahil very much qualified siya sa category, kesehodang pang may mga kumokontra.

Rochelle, marunong tumanaw ng utang na loob

HINDI nagbabago ang ugali ng Sexbomb girl na si Rochelle Pangilinan kesehodang iba na ang manager. Halata pa rin ang kababaang loob.

Na-depressed ang dalaga noong mabalitaang hinagupit ng bagyong Santi, ang bayan ng Jaen, Nueva Ecija. Puro kasi Yolanda ang napag-uusapan, kaya kuwento naman namin, bagyong Santi na grabeng idinulot sa Nueva Ecija.

Giniba ang mga bahay at pananim. Naaalala ni Rochelle ang mga taga-Jaen, noong imbitahan ni Mayor Santi Austria na mag-motorcade roon. Parang hindi siya makapaniwala na maraming mga tagahanga roon ang naapektuhan ng bagyo. Paano malilimutan ng mga Sexbomb Girl ang Jaen?

Noong namamayagpag pa ang grupo, halos karamihan sa kanila—Jopay, Izzy, Sunshine Garcia, Louise Belton, at Danielle ay pawang nag-motorcade sa binagyong lugar. Kahit paano naimbitahan sila roon ng mga Nobo Ecijano.

Kuwento ni Rochellr, mabait si Mayor Santi na nakapagpatayo ng 14  school gyms, 2 high schools at gumagawa ng isa pa. Nagbibigay kabuhayan din sa mga kababayan.

Nagkahiwalay man si Rochelle at nabay-nanayang si Joy Cancio, nag-uusap naman ng maganda at walang tampuhan. Mahal pa rin niya si Joy, simbolo ng isang artistang marunong tumanaw ng utang na loob, na hindi na uso ngayon sa showbiz.

My Little Bossings at GBBT, nang-iinggit?

BAKIT paulit-ulit na lang ibinabando ang malaking kinita ng pelikulang My Little Bossings at Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa publiko?

Para bang iniinggit pa nila ang mga nakasabay na lumahok sa festival?

Wika, hindi ba sila natatakot malaman ng BIR na milyones ang kinita nila sa takilya? Well, bakit nga matatakot, naririyan si Kris Aquino na kapatid ni PNoy.

Top grossing nga, may moral lesson ba naman daw sa pelikula na napanood nila?

Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …