Thursday , June 4 2026

Bitay sa OFW tuloy ngayon Enero

SAKALING mabigo ang pamilya na makapagbigay ng P17.5 milyon blood money, posibleng mabitay ngayon Enero ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia.

Base sa ulat ni Philippine Ambassador to Saudi Arabia Ezzedin Tago, nakalikom pa lamang ang pamahalaan ng 520,831 Saudi Riyal o P6.1 milyon upang mailigtas ang buhay ni Joselito Zapanta na hinatulan ng bitay noong 2009 nang mapatay ang kanyang Sudanese landlord.

Nanawagan muli si Vice President Jejomar Binay, Presidential Adviser on OFW Concerns, sa sambayanang Filipino upang tulungan si Zapanta na makalikom ng blood money.

“Ako ay muling umaapela sa mga kababayan ko na tulungan si Joselito na makalikom ng blood money. Simulan natin ang taon na ito sa pamamagitan ng pagtulong upang makapagligtas ng buhay ng kapwa Filipino at makapagbigay ng kaligayahan sa kanilang pamilya,” pahayag ng bise presidente ng bansa.

Unang itinakda ang deadline sa paglalagak ng blood money sa pamilya ng biktima noong Nobyembre 12, 2012 ngunit inilipat hanggang Marso 12, 2013.  Muling hiniling ng kampo ni Zapanta na bigyan ng pagkakataon makalikom ng blood money kaya’t iniatras ito noong Nobyembre 3, 2013.

Kung sino man ang nais tumulong para mailigtas ang buhay ni Zapanta ay maaaring ipadala sa sub-account ng Philippine Embassy sa Hollandi Bank sa Account Number 037-040-790-022 International Bank Account Number (IBAN): SA 61-5000-0000-0370-4079-0022 Swift Code: AAALSARI.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …